pano ko ba sisimulan to? shock pa rin ata ako ah... ganun na ba talaga kalala ang kalagayan ng mundo?? ganun na ba talaga kasama ang mga tao??
bumabalik tuloy sa isip ko ang mga pelikulang napanood ko... mga building na lubog sa tubig lugar na nabubura sa mapa... mga taong nagugutom... unti-unti pinapahirapan ang mga bida... nararanasan ang lupit ng kalikasan... may mga mamalasin at mamamatay... syempre kung ikaw ang bida sigurado buhay ka...
pano kung sa totoo na? kontrabida pa rin ba ang kalikasan at tayo pa rin ang bida?? na pagkatapos ng mga bagyo, pag-ulan at iba pang kalamidad... ayun bigla na lang nating sasabihin "anong nangyari??"?? posible kaya na di mangyari ang mga bagay na yun sa akin... sayo... sa kanila... sa ating lahat??
katatapos lang ng bagyong ondoy at pepeng... naaalala ko pa gusto ko umalis nun... boring sa bahay... sabi ko ordinaryong ulan rin lang yan... kaya lang ayaw na umalis ng mga kasama ko... nung araw na yun parang wala lang naman... ang saya pa nga kasi malamig... sa wakas umulan din ng ganun kalakas... ang init na kaya ng panahon... mga bandang hapon... tumawag ang ate ko... di daw sya makauwi... stranded... biniro ko pa sya na maglakad na lang mula magallanes hanggang sa amin... di ko akalain na malala pala talaga ang sitwasyon... bigla akong kinabahan...
nagulat ako kinagabihan... pagbukas ko ng tv... puro bagyo ang balita... (shocks talaga!)hindi ko naisip na may mga maaapektuhan pala ng bagyo ng sobra... hindi man lang pumasok sa isip ko na pwede pala maging mas mataas pa sa mga tao ang baha... nakakagulat... may mga patay na agad na nabalita... mga bahay na nagpapalutang-lutang sa tubig baha... ang inakala kong ordinaryong ulan lang, papatay pala sa buhay ng maraming tao... minsan lang ito mangyari... lalo na sa metro manila...(actually ngayon lang) kung ako nagulat pano pa kaya ang mga taong naroon??
hanggang sa napunta na ang balita sa dahilan ng pagbaha... dam... climate change... tao...
climate change.. ano nga ba yun?? naaalala ko sinabi ng katabi ko... sanhi daw yun ng greenhouse effect... (dami alam... :D) madami na ko naririnig tungkol dito... nakakatakot malaman ang epekto pero ang totoo walang ginagwa para maiwasan to... nagulat ako ng nakita ko na taong 2099 (buhay pa ba ko nun??) sobrang init na ng mundo...( shocks pano yun?? ayoko nga ng mainit) nakakabahala... nakakatakot
gobyerno, simpleng mamamayan... kelangan magtulungan... kung may susundin merong mga susunod... para to sa kaligtasan ng lahat... wala naman sigurong gustong mamatay ng dahil lang sa sariling kapabayaan...
hoy juan gisng!!! nasa kamay mo ang kapalaran... di naman ito ginusto ng kalikasan... kelangan ng may simulan... para maiwasan ang katapusan...
